Puno ng papuri ang mga Kapamilya talents na sina Pokwang at Jake Cuenca sa pag-aalaga sa kanila ni Bossing Vic Sotto habang ginagawa ang pelikulang 'Mission Unstapabol: The Don Identity.' Ipinahayag nila ito sa harap ng entertainment press sa naganap na grand media conference ng pelikula noong December 13.