Kahit bata pa ay hinahangaan na ng lahat si Inspector Aaron, isa sa trainers ng mga pumapasok sa Special Investigation Centre. Namatay sa isang misyon ang dati niyang partner, na muntik nang maging dahilan ng pag-alis niya sa SIC kung hindi pa siya pinigilan ng kanyang supervisor. Sa pagpasok nina Relisa at Jennifer, bibilib at magkakagusto ang una sa kanya, habang ang huli naman ang mapipiling bagong partner ni Aaron. Sa pagtutulungan nilang dalawa, mahuli kaya nina Aaron at Jennifer ang kriminal na tinutugis nila? Tunghayan sa 'Game of Outlaws' Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. simula April 17.