Aired (June 27, 2026): Hindi napigilan ni Jomar (Royce Cabrera) ang sarili at unti-unting nahulog sa pang-aakit ni Heidi (Robb Guinto), ang kapatid sa ama ng kanyang nobyang si Gwen (Ashley Ortega). Habang palihim na lumalalim ang kanilang ugnayan, walang kamalay-malay si Gwen sa pagtataksil na nagaganap sa kanyang likuran. Mabubunyag kaya ang lihim nilang dalawa? Panoorin ang video.