Aired (May 23, 2026): #ReportersNotebook: “Hinagpis ng Paslit” Isang tatlong taong gulang na bata sa Taguig City, paulit-ulit umanong sinasaktan ng kinakasama ng kanyang ina! Sa Quezon City naman, huli sa CCTV ang marahas na pananakit ng isang lalaki sa kanyang dating kinakasama sa loob mismo ng isang boutique. Sa gitna ng sunod-sunod na kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan, sapat nga ba ang proteksyong naibibigay sa mga biktima? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook