Aired (May 8, 2021): Hindi hahayaan ni Purple (Jelai Andres) na may humadlang sa pagiging ganap niyang published author. Kaya naman nang masira ang laptop na ginagamit niya sa pagsusulat ay agad siyang bumili ng kapalit! Pero paano kaya kung ang nabiling laptop, pinaninirahan pala ng isang multo?