Kilala bilang "Galapagos of Asia," ang Sibuyan ay tahanan ng mayamang kalikasan at pambihirang biodiversity o saribuhay. Ngunit higit pa sa ganda ng isla, narito ang kuwento ng mga taong nagsisikap na pangalagaan ang isa sa mga natitirang paraiso ng bansa. Kasabay nito, kinakaharap nila ang mga pasyang maaaring magbago sa kinabukasan ng Sibuyan. Panoorin ang 'Pamana ng Sibuyan,' dokumentaryo ni Howie Severino sa #IWitness.