Hindi lamang basta maganda at matalinong Kapuso stars ang maglalaban ngayon sa 'Quiz Beh,' dahil makakasama natin ang ilan sa mga beauty queens na nag-uwi ng korona mula sa iba't ibang beauty pageants! Ito na ang tunay na battle of beauty and brains kasama sina Michelle Dee, Thia Thomalla, Chanel Morales at Sophia Senoron. Sino kaya sa kanila ang magrereyna sa tapatan na ito?