Kung last week ay nag-enjoy kayo sa mala-riot na hulaan ng mga millennial Kapuso stars, tiyak namang kikiligin kayo ngayong Biyernes dahil ang Kapuso cuties namang sina Abdul Raman, Radson Flores, Allen Ansay at Vince Crisostomo ang magtatapatan ngayon sa 'Quiz Beh!' Hinay-hinay lang sa pagtili, mga Kapuso! Sino kaya sa tingin n'yo ang magwawagi ngayong araw - Team A (Vince-Allen) o Team B (Abdul-Radson)?