Aired (September 06, 2026): Ang ahensyang LEISAPHIL, pangako raw ang suweldong halos 3,000 euros o 200,000 pesos kada buwan kay Joy na nag-apply bilang caregiver sa Ireland. Kaya si Joy, pati na ang isa pang biktima umano ng ahensya na si Rose, todo ang naging kayod para makaipon at mabayaran ang placement at processing fees na nasa 300,000 pesos. Pero nang makuha na ng ahensya ang pera, ang inaasahang trabaho abroad, drawing lang pala?! Panoorin ang video. #Resibo