Aired (August 16, 2026): Dahil sa labis na pagkahilig ni Arman (John Feir) sa sabong, mas napagtutuunan niya ng pansin ang kanyang mga alagang panabong kaysa sa anak niyang si Julius (Elias Point). Ngunit, isang kakaibang pangyayari ang tuluyang magpapabago sa kanilang buhay--magta-transform si Julius bilang paborito niyang manok na si Titan. Mababalik pa kaya ni Arman sa dating anyo ang kanyang anak at ang kanilang relasyon? #GMARegalStudioPresents #RSPPaboritoUnicoHijo