Aired (June 7, 2026): Bilang breadwinner ng pamilya, hindi sumusuko si Macy (Shuvee Etrata) sa pangarap na maging artista kahit paulit-ulit siyang nabibigo sa auditions. Isang araw, isang kakaibang pagkakataon ang dumating sa kanyang buhay ang magpanggap bilang nawawalang apo ng isang mayamang lola kapalit ng malaking halaga. Ngunit hanggang saan kaya niya kayang panindigan ang papel na ito, lalo na kung biglang bumalik ang tunay na tagapagmana? #GMARegalStudioPresents #RSPTheFakeHeredera