Ngayong linggo, mangyayari na ang pinakaaabangang laban nina MakMak (Anton Vinzon) at Julian "Matador" Gonzales. Huwag 'yang palampasin sa 'Kamao' weekdays sa oras na 3:20 p.m. pagkatapos ng 'Born To Shine' sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang full episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng 'Kamao' sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network. Ipinapalabas din ang family sports drama overseas via GMA Pinoy TV.