Hindi sukat akalain ni Perlita (Sunshine Dizon) na magagawa siyang paghigpitan ng kanyang amo sa Jordan kahit pa biglang namatay ang kanyang panganay. Napilitan siyang manatili at patuloy na makaranas ng pang-aapi. Bukod dito, pariwara din ang kanyang asawa na umaasa lang sa mga padala niya. May pag-asa pa kaya siyang makauwi?