Sa higit isang dekadang paghahanapbuhay ni Mercy (Tetchie Agbayani) sa iba't ibang bansa, wala siyang naipundar dahil ipinambabayad niya ito para sa dialysis ng kanyang anak. Matapos itong pumanaw, napilitan siyang manirahan sa bahay ng manugang na si Tony (Kiko Matos) kasama ang anak na si (Lovely Elora Españo). Paano niya kaya ito pakikisamahan kung palagi siyang inaangilan?