Binubugbog at inaabuso ng kanyang asawa si Mylene (Aubrey Miles), pero sa kabila nito ay nagawa niya pa rin magpatawad para sa kanilang pamilya. Napagdesisyunan niya rin na mangibang-bansa upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang anak. Habang naghihikahos sa Abu Dhabi bilang isang nurse, mayroon na pa lang kabit ang kanyang asawa at sa bahay pa nila pinapatira! May pag-asa pa kaya siyang magkaroon ng maginhawang buhay?