Upang matulungan ang kanyang pamilya, nangibang-bansa ang breadwinner na si Regine (Mikoy Morales) at naghanap ng kabi-kabilang trabaho para makapag-ipon ng perang ipadadala sa Pilipinas. Hindi man madali para sa kanya na harapin ang mga hamon at diskriminasyon sa ibang bansa bilang isang transgender woman, pinatunayan niya na hindi hadlang ang kasarian para magampanan ang kanyang trabaho roon. Paano kung kapwa Pinoy pa ang kumakalaban sa kanya?