Kilalanin ang Fernandez brothers, ang tinaguriang heirs o tagapagmana ng Hotel 88. Subaybayan sina Brent Manalo bilang si Gio Cabrera, Ralph de Leon bilang si Martin Madrigal, at Will Ashley bilang si Francis "Kiko" Endaya sa pag-navigate ng kani-kanilang mga buhay at pagdiskubre nila ng sikretong nakatago sa hotel. Maprotektahan kaya nila ang sikreto, o sila mismo ang magsisiwalat nito? Pagbibidahan ng dating housemates ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' sa kanilang kauna-unahang proyekto sa labas ng Bahay ni Kuya. Kaninong sikreto kaya ang unang malalantad? Abangan ngayong March 2 sa GMA Prime. #TheSecretsofHotel88