Aired (July 05, 2026): Paunawa: Maselan ang ilang paksa na nilalaman ng video. Inirereklamo ng mga residente sa isang subdivision sa Laguna ang marumi at kulay itim na tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo. Tatlong taon na umano nila itong tinitiis, at napipilitan na rin daw silang gumastos ng sariling pera para makagamit ng tubig na mas malinis. Samantala, isang limang buwang gulang na sanggol naman ang iniwan ng kanyang menor de edad na mga magulang sa lola nito para makapaghanapbuhay. Pero isang araw, natagpuan na lang nila ang bata na nag-iisa, wala nang buhay at wala na ring mga mata. Ang buong ulat, panoorin sa video. #Resibo