Mula sa GMA Heart of Asia, dalawang K-drama stars ang maghahatid ng kilig tuwing hapon. Subaybayan sina Park Seo-joon bilang Franco Lee at Park Min-young bilang Macy Kim sa 2018 hit Korean drama na 'What's Wrong with Secretary Kim' simula ngayong December 19 sa GMA.