Kapuso Feeds
Now Airing
Legacy

 
What's New

Featured Video

The Good Daughter: A first look

Here's why you shouldn't miss the premiere of The Good Daughter this coming February 13.

 
 
Poll
Anong show na pinagsamahan nina Dingdong at Marian ang paborito mo?
MariMar
Mars Ravelo's Dyesebel
Carlo J. Caparas's Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang
poll vote poll result
 
This Week on GMA

Episode 71

Dahil sa napanood na video ni Kevin ay mag-uusisa si Josh sa totoong lagay ng binata. Wala nang choice si Kevin kundi aminin ang totoo. Ipapaliwanag niya ang sakit kay Josh, at sasabihing may taning na ang buhay niya. Ngunit makikiusap rin si Kevin na huwag ipagsabi ni Josh sa iba ang karamdaman niya, dahil ayaw niyang kaawaan siya, lalo na ni Bambi.
 
Masamang-masama naman ang loob ni Heidi sa natuklasan niyang pagkakagusto ni Rick kay Belinda. Pero kakausapin siya ni Jacob kaya mas maiintindihan ni Heidi ang mga pangyayari. Patatawarin agad ni Heidi si Belinda. Kaya lang ay labis na nasaktan si Heidi kaya di niya agad matatanggap si Rick.
 
Abala ang mga tweens sa paghahanda sa nalalapit na Prom. Pero malungkot si Aya dahil hindi makakasama si Chris. Lalaya na kasi ang nanay nito mula sa kulungan kaya mas nais ng binata na magtipid at huwag gumasta sa Prom.
 
Si Rick naman ay papayuhan ni Jacob na wag mag-give up sa panuuyo kay Heidi. Magkakaroon ng lakas ng loob si Rick. Sa tulong ng barkada ay pupunta sila sa presscon ni Heidi at doon ay magpapanggap na reporter si Rick. Mapapahayag niya sa dalaga kung gaano siya nagsisisi. At sa bandang huli ay aalukin niya si Heidi na maging date niya sa Prom.

Abangan ang lahat ng ‘yan ngayong bagong taon sa 2011’s Best Youth Oriented Program, Tween Hearts! Tuwing Lingo pagkatapos ng Party Pilipinas! 

 

Episode 6

Iiligtas ni Felix si Melissa at dadalhin sa ospital. Ngunit, nang magkamalay, magagalit si Melissa kay Felix.

Malalaman ni Amor ang nangyari at pupuntahan si Melissa sa ospital. Lubos ang pasasalamat niya sa binata na siyang maghahatid pa sa kanila sa bahay.

May mga reporters na magpupumilit na ma-interview si Melissa. Makakasuntukan ni Felix ang isa, at babantaan ito na idedemanda na ng trespassing kung hindi aalis.

Makikiusap si Amor kay Melissa na mangakong hindi na uulitin ang tangkang pagpapakamatay at mapipilitan namang mangako si Melissa. Nang tulog na si Amor ay dadamputin ni Melissa ang chlorox at iinumin.
 

 
 
Events