Bing Loyzaga is no stranger to being bad on TV-- so kung siya mismo ang nagsasabing masama ang isang character, gaano nga ba kasama ang character na 'yun? At bakit parang hindi naman siya kinatatakutan sa set ng 'Paano ba ang Mangarap?' Text and Photos by Jason John S. Lim.
"Ang sama-sama niya!" ang sagot sa amin ni Miss Bing Loyzaga nang tanungin namin kung kamusta na ang role na ginagampanan niya for Paano Ba Ang Mangarap?.
Kung matatandaan, Bing was also part of the very first Sine Novela, ang Sinasamba Kita, which was also directed by Joel Lamangan. Pero according to her, "sa Sinasamba Kita, it wasn't really that salbahe pa. Dito, I always ask Direk, 'Direk, ganito ba talaga kasama ito? Okay, okay!' Ganyan siya kasama."
But according to the veteran actress, hindi naman daw malayo ang version niya of Donya Francia sa original movie version nito. "Kasi nga, sa original, she wasn't really that nice din naman. Dito lang, siyempre, mas fragile 'yung sasapakin, 'di ba? Si Jennylyn [Mercado], I mean, I'm suhch a big woman compared to her. So feeling ko, if I give her one big whack, baka malipat siya sa ibang show, sa lakas madala siya doon!"
"I'm being careful about that," Bing assures us, and Jennylyn's fans. "Mean din naman si Tita [Armida Siguion-Reyna] sa original," she adds that the only deviation they made was "parang nagkaroon lang ako ng supposedly affair. Doon lang nag-stretch."
"Nagkaroon siya ng side story," the actress says with a laugh. "Medyo lumandi si Francia." But it's not over-the-top naman, "medyo lang naman. [To] spice things up lang." According to Bing, wala naman daw nabago sa character ni Francia. "Bottom line is, no matter what the character went through, family pa rin 'yung sentro niya."
And the one thing Bing is happy about, sa character niya, "she has her days. [May] saving grace siya, wherein hindi naman [siya] all the time bad. Kasi naja-justify naman somehow 'yung evilness niya, because she really cares about her son, and her apo." Although, Bing tells iGMA, "I can't say I can justify her acts. Even I complain na parang 'ang sama ko naman!'. But it is a character, [and] it's fun to go back to a certain kind of role that I haven't been playing for quite some time.
"Medyo nakakapanibago. Nate-tense ako for myself!" Natatawang pahayag ng aktres.
In the end, work is work pa rin naman. "And any kind of stretching, any kind of pang-aapi, it's always an achievement when you're working with Joel Lamanga. So I am very honored and very proud to be part of the show." Sabi nga ni Bing, "No matter what they say, [na pang afternoon lang], okay lang."
As for what to expect naman in the coming weeks, Bing has a very interesting teaser for the viewers and fans of the show: "Sa ngayon, dalawa kami ni Maya [Chynna Ortaleza] na medyo kontrabida. Siyempre sa huli niyan, lalabas pa rin na isa sa amin ang mas bruha. Alamin na lang natin kung paano, at sino, at kung ano pa ang kahirapan na ibibigay namin kay Lissa [Jennylyn Mercado]. Kasi hindi, wala pa kayong nakikita sa mga araw na 'to -- meron pa pala kaming ibubuga!"
Nakakatakot naman! Ano nga kaya ang mga eksenang 'yan? Abangan!
Paano ba ang Mangarap? airs every weekday afternoon, pagkatapos ng Daisy Siete, only on Dramarama sa Hapon ng GMA.
Sep 21, 2011
Sa isang press visit sa ‘Kung Aagawin Mo Ang Langit’, nagbitiw ng pahayag si Michelle na sa nakaka-relate daw siya sa kanyang character na ginagampanan sa kasalukuyan.

