Kapuso Feeds
Now Airing
Unang Hirit
Paulo Avelino, mahilig manggulo sa mga taken na?
Jun 18, 2009

Paulo Avelino has made girls' hearts flutter bilang the reliable Kiko sa 'Dapat Ka Bang Mahalin?' Pero sa huling linggo ng afternoon soap, mag-iiba na ang paningin ninyo kay Paulo. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. "Naku! Hindi niyo kakayanin kung anong mangyayari kay Kiko dito kasi—" Paulo Avelino was just about to reveal a plot point sa amin nang mahinto niya ang sarili niya. "Basta—panoorin niyo 'yung finale week namin para makita niyo."stars Ibang klase rin si Paulo mang-tease ano? Ano nga ba ang dapat nating makita? "Sobrang iba sa Kiko na nakita niyo nung una," Paulo says of his character. "Abangan niyo na lang." Inamin ni Paulo na nahirapan siya sa pag-shift ng character niya. "Nag-research ulit [ako] ng mga pagbabasehan nung pag-shift ng character," he tells us. Pero worth it naman daw lahat ng paghihirap na hinaharap niya, at ng kanyang cast mates, sa show. Biruin mo, pumapalo sila ng 30s sa ratings! Biro nga ni Paulo, "Laging sinasabi ko kay Kris, 'Kris, o, nag-30 plus! Ikaw ang bida dito, blowout!'" With the show's constant high ratings, dadalhin na ang tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Telebabad, and Paulo is happy to announce that he's joining the two sa bago nilang show! "Parang ako 'yung ka-triangle nila," kuwento niya about his character. Dagdag ni Paulo, while he is still another party sa relationship ni Aljur at Kris, "Different na 'yung attacks nung role. Magiging iba siya compared to Dapat." Wala pa daw masyadong idea si Paulo about his role, though he has read the first week's script na. At ito ang masasabi niya about his character, "hindi na ako 'yung typical super good boy/good guy." At kuwento pa niya na todo workout daw siya ngayon sa gym, "Kasi maraming scenes na—" he cuts off with a laugh. "'Yung opening scene, 'yung pagpasok ko—eh kasi model [ako] eh." 'Di ba? Ibang klase talagang mag-tease si Paulo. Ngayon, we'll have to wait until the new prime time series begins para lang malaman kung bakit kailangan niyang mag-workout for his entrance sa show! At least, dalawang linggo na lang ang hihintayin natin because the new prime time soap begins June 29. 'Di ba, Paulo? "Hindi pa," natatawang sagot ni Paulo. "Second week pa kasi ang pasok ko." Sige na nga. Sa Startalk na lang natin abangan si Paulo, where he is part of Chika Pika ang bagong version ng Struck Attack. And siyempre, hindi pa tapos ang Dapat Ka Bang Mahalin? na e-ere pa hanggang ngayong Biyernes. Siyempre, you can also correspond with Paulo through through Fanatxt. Just text PAULO to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)

 
 
Related Content