Sa pagtatapos ng "All My Life," handa na ang lead stars na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal na ma-miss ang kanilang mga kasama--pero hindi ang isa't isa. Text and Photos by Jason John S. Lim; Interview by Erick P. Mataverde.
Nung Monday, September 14, ang last day of taping ng All My Life, pero the day before pa lang, aminado na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal that they will miss the cast and crew of the first primetime show na pinagbidahan nila.
"Kahit heavy drama siya, basta nandiyan sina Direk Mac [Alejandre]—lahat, pati mga camera man, lighting directors namin—masaya sa set." Kuwento ni Aljur, lagi raw silang nagtatawanan, at never nagkaroon ng heavy tension sa set nila kahit pa mabigat ang storyline ng All My Life.
Kris agrees with this; "'yung grupo ni Direk Mac? Sobrang nakakatawa silang kasama, sobrang nakakatuwa kasi kahit gaano kaseryoso 'yung mga eksena namin, may nagpapatawa pa rin diyan."
Pero at the same time din, Aljur tells us, everyone was very professional. "Pag trabaho na, pag take na—seryoso na."
Aljur reiterates na mami-miss raw niya 'yung masasayang moments nila sa tapings, "at saka 'yung StarStruck family. Magkakasama kami diyan—‘yun 'yung [mga] mami-miss namin ni Kris."
Naging memorable ang All My Life para kina Kris hindi lang dahil ito nga ang first primetime show nila na sila ang bida. Kris explains, "talagang naging close kami e. Sina Moymoy Palaboy—even 'yung mga parents namin [sa show]: sina Miss Gelli [de Belen], sina Miss Lani [Mercado]. Ang babait po talaga lahat."
She adds, "talagang madaling pakisamahan." Kaya nga, Kris tells us, "talagang inenjoy namin 'yung buong All My Life experience namin."
Aljur's Injury.
Marami ang nakapansin sa injury ni Aljur during the last All My Life mall show sa SM Marilao last Sunday, September 13. During the celebration dinner afterwards, tinanong namin si Aljur kung napaano ang kamay niya.
He answers, "aksidente siya e." Sa kuwento ng staff, they were shooting a scene kung saan susuntukin ni Jules (Aljur's character) ang dingding. Aljur motions to a part of his bandaged hand, "dapat ito 'yung tatamaan, pero nagkamali ako."
After the dinner, dinala na si Aljur sa hospital to have his fractured hand checked.
Huling episode na ng All My Life mamaya, kaya 'wag nang palampasin! And don't forget that Nandio Ako, their launching movie, will open in theaters beginning September 30.
May 16, 2012
The cast for the upcoming primetime drama Luna Blanca welcomes the press.

