Mark-Jen fans, magsaya na kayo habang happy pa ang favorite couple niyo. Dahil sa mga kuwento ni Mark Herras sa mga maaaring mangyari sa kuwento ng 'Ikaw Sana', the love team is in for a very bumpy ride. Text by Jason John S. Lim. Photos provided by GMA Network.
Masaya sina Mark Herras, his co-stars at ang mga kasamahan behind the scenes ng Ikaw Sana sa pag stabilize ng ratings ng show. "Nakatutuwa kasi habang tumatagal, nagiging stable."
Mark tells us na comparing daw sa performance ng show nila before, hindi daw talaga nila makita kung gusto ba ng viewers ang show nila o hindi—dahil nga taas-baba ang ratings nila. "Ngayon, umaangat kami ng mga 4 to 5 points—so happy. Happy sa resulta."
Sa Ikaw Sana, the characters have just gone through a six-year transition. Nakalabas na ng kulungan ang character ni Jennylyn Mercado, at alam na ng character ni Mark na ang character ni Pauleen Luna ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan.
Regarding the pivotal scene kung saan nalaman ni Michael Olivares (Mark's character) ang nangyari kay Jennylyn, Mark shares this story:
"Nagtaping ako nung isang araw doon sa kung saan nakulong si Jen, sabi nung mga nakakulong—'Pag nakita namin si Pauleen dito, yari sa amin!' Mga ganoon! 'Makinig ka sa kanya! Michael, pakinggan mo si [Eliza]!'"
At natutuwa sila Mark dahil "ganoon ka-effective 'yung role na ginampanan ni Pau." Pau is the nickname na gamit ng mga close friends ni Pauleen to refer to her. "Happy kami na nararamdaman ng mga tao, na parang mismo sila nakaka-relate doon sa istorya ng Ikaw Sana."
Dagdag pa niya, "I'm thankful for the people na sumusuporta sa amin."
iGMA.tv asks Mark kung sa bilis ng mga pangyayari ay magiging happy na ba ang fans nila ni Jen by Christmas time.
He answers, "kasi may mga tinaping kami na feeling ko hindi pa siya aabot ng Pasko, matutuwa na sila e. Pero malulungkot ulit sila."
So bittersweet ang Pasko?
"Medyo," he replies. "Pero maganda, maganda kasi 'yung mga mangyayari. Lalo na pag napanood na nila 'yung mga ginawa na naming eksena ni Pau. Siguro hint na lang, malalaman ko kasi 'yung buong katotohanan. Very, very soon."
One thing na masisigurado ni Mark, the fans will be happy na hindi sila mawawala sa ere ng December. "Kung tama ako, extended pa ang Ikaw Sana hanggang January."
So that's more than two months of gripping stories about unconditional and unstoppable love.
Be always in the loop with Mark through Fanatxt! Just text MARK(space)ON and send to 4627 sa kahit anong telco, para lagi kang updated sa kanila. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)
Continue to fall in love with Ikaw Sana every weekday afternoon, before 24 Oras. And catch Mark's hosting skills sa ShoutOut: the StarStruck Dailies weekday afternoons before Family Feud.
Pag-usapan ang bagong show nina Mark and Jen sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

