Balikan ang nakaraan sa special 'Ikaw Sana' recap ng iGMA.tv. Muling panoorin ang mga eksenang nagpaibig sa atin, at sundan muli ang kuwento para sa paghahanda sa nalalapit na pagtatapos ng programa. Text by Jason John S. Lim.
Ang kuwento ng Ikaw Sana ay nagsimula sa dalawang babaeng hindi inakalang magkapatid sila; dalawang babaeng magkaribal na simula sa oras na sila ay isilang.
The main players
Eliza (Jennylyn Mercado) is a simple woman working at her lola's tinapahan, while volunteering at a local orphanage. Growing up, alam na niya na hindi siya puwedeng kilalanin ng kanyang ama na si Gener (Tirso Cruz III) dahil anak lamang siya sa labas.
May anak si Gener sa kanyang legal wife, at ito si Sofia (Pauleen Luna).
Hindi pa man nila alam na magkapatid sila, at magkaribal sa affections ng kanilang ama, may isa pang rivalry na mabubuo sa kanila. Eliza falls in love with the generous Michael (Mark Herras), na boyfriend and soon-to-be fiancé ni Sofia.
Eliza versus Sofia
Nang mamatay ang ina ni Eliza, Gener decides to introduce her to his legal family—hoping na matatanggap nila ang kanyang anak sa labas. Ngunit from the moment na makita ni Sofia si Eliza, muhi na ang naramdaman niya para dito.
At lalong tumindi ang galit ni Sofia kay Eliza nang malaman niyang ito rin ang dahilan ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Michael.
Dito magsisimula ang mga schemes ni Sofia para pahirapan si Eliza—upang mabalik sa kanya ang pagmamahal ng ama, at ang pagmamahal ni Michael. Pero huli na ang lahat, dahil ikinasal na ang dalawa ng hindi niya nalalaman.
Sofia uses this to her advantage: she makes Michael think na iniwan na siya nang tuluyan ni Eliza. And for seven years, Sofia becomes Michael's second wife—and second mother to Nina, Eliza's daughter with Michael. Unfortunately for Sofia, maku-kunsensya si Doctor Dave, kaya naman kukunin niya ang kaibigan niyang abogado na si Luis (Frank Garcia) para tulungan si Eliza makalaya sa kulungan.
At sa pagkalaya ni Eliza mula sa kulungan, unti-unti niyang nabawi mula kay Sofia ang mga inagaw nito sa kanya: ang kanyang asawa, ang kanyang anak—at ang pamilyang inakala na nawala na siya ng tuluyan.
Pero hindi pa tapos si Sofia.
Eliza, a flawed woman
Matapos ng kanyang pagkakakulong, Eliza finds out na pinagtangkaan ni Sofia at ng ina nitong si Loretta (Maritoni Fernandez) ang buhay ng lola niyang si Amanda (Marissa Delgado). Eliza and Amanda then decide to team up para patumbahin ang dalawa.
They succeed in getting Loretta imprisoned, pero Sofia continues to be free sa kanyang mga plano.
Nina, Eliza's daughter, gets kidnapped under Michael's watch. And this drives a wedge sa relationship nilang dalawa. Sa galit ni Eliza kay Michael, she decides to contact Attorney Luis once more para tulungan siya sa paghahanap sa kanyang anak.
Unbeknownst to them, si Sofia ang may pakana ng lahat. And nang malaman ni Doctor Dave ang mga plano niya, she decides to kill him—and pins the blame on the kidnappers. But Attorney Luis is suspicious, and this suspicion he shares with Eliza brings the two closer together. Isang bagay na hindi ikinatutuwa ni Michael.
Meanwhile, Sofia starts horning in sa Montemayor Group of Companies. Using lies and manipulations, she gets Gener to instate her as the President of the Company, undermining both Amanda and Eliza.
Pero Sofia is not finished with just taking Eliza's career away. She is also plotting to take Michael away from Eliza too. A fact na naging mas madali sa pagpasok ni Giselle (Camille Prats), a single mother na may sakiting anak, sa buhay ni Michael.
What's to come

