Simula ngayong gabi, March 11, "SRO Cinemaserye" will bring to us the outrageously funny and irresistibly sexy story of "Hot Mama." Expect Eugene Domingo and her leading man Wendell Ramos to deliver non-stop laughter as the humor gets naughty and playful. Text by Loretta Ramirez. Photo courtesy of GMA Network.
"Sa totoo lang ito ang pinaka-daring na ginawa ko," ang panimula ni Ms. Eugene Domingo sa press launch ng Hot Mama last week. At totoo naman, hot ang mga scenes na ginawa nina Eugene at ng kanyang leading man na si Wendell Ramos. Sa teaser pa lang na ipinalabas sa launch, nagsisisigawan na ang mga press sa mga nakakakilig na mga eksena.
"Nagpapasalamat ako kay Wendell kasi s'ya mismo... parang nire-relax n'ya ako…Siyempre nakakahiya namang humalik nang humalik at yumakap nang yumakap. Pero siya yung 'gawin natin to kasi talagang ganon eh, kailangan sexual tayo.’ So ang motivation ko na lang doon eh ‘yung takot sa director ko (Joel Lamangan) at saka ‘yung support ng mga kasama kong artista," ang natatawang pahayag ng premyadong comedienne.
Tila nag-blush ang Gawad Urian at Golden Enpress Best Actress nominee ng mapanood sa teaser ang ilang mga nakakakilig na kissing at intimate scenes nila ni Wendell.
"Nagpapa-girl ako nang todo," ang biro niya. Pero inamin naman ni Eugene ang paghanga sa kanyang leading man when she was asked to describe Wendell.
"Di ba ang sexy ng mata? Tapos kwela pa, kalog, hindi conscious, hindi assuming. In the end nga pag binastos mo pa siya, ikaw pa ang mahihiya eh."
Idinagdag pa ni Eugene na napaka-flawless ng kanyang leading man. “Hiyang-hiya nga ako, ang flawless!"
Siguradong isa na namang hit ang latest SRO Cinemaserye offering. Mapapanood na natin ang Hot Mama simula March 11, pagkatapos ng Queen Seon Deok.
Pag-usapan ang Hot Mama sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Dec 24, 2011
Kapuso stars continue to help out Sendong Victims and encourge their supporters to send in their donations.

