Kapuso Feeds
  • UnangHirit | May 17, 2012 06:15 AM
    TOP HIRIT | Mga nasunugan sa Tondo, nagkagulo sa pamimigay ng pera at relief goods ni Erap; Lim, nauna nang namahagi ng tulong sa mga...
  • MarkTheHerras | May 17, 2012 06:14 AM
    Pack up na!! Yay!!! Morning peeps!!! Time to rest!!
  • mariajolina | May 17, 2012 06:13 AM
    Goodmorning!!! http://t.co/RQ8altLe
  • UnangHirit | May 17, 2012 06:05 AM
    TOP HIRIT | Nakadaong na US attack submarine sa Subic Bay, posible umanong makapagpalala ng tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas...
  • UnangHirit | May 17, 2012 06:05 AM
    TOP HIRIT | Pagdating ng US attack submarine sa bansa, walang kinalaman sa iringan ng China at Pilipinas -SBMA at US Embassy #UnangHirit
  • UnangHirit | May 17, 2012 06:01 AM
    TOP HIRIT | Pilipinas, nagdeklara na rin ng dalawang buwang fishing ban sa Panatag Shoal #UnangHirit
  • officialTIMYAP | May 17, 2012 06:00 AM
    @heart021485 I miss you guys! @msderossi @lovipoe
  • gmanews | May 17, 2012 06:00 AM
    Mga Kapuso, #DZBBsaNewsTV na! May nais ka bang sabihin tungkol sa mga isyu ng bayan ngayon? I-tweet gamit ang hashtag!
  • msderossi | May 17, 2012 05:54 AM
    @lovipoe sana sumipot sya sa taping ko mamaya dahil kailangan ko sya! Gosh!
  • SarahLahbati | May 17, 2012 05:53 AM
    Boy pick up shooting naman!
Now Airing
Unang Hirit
Isang kakaibang Jackie Rice, mapapanood sa 'Dear Friend presents Tisay'
Apr 17, 2010

Muli na namang patutunayan ni Starstruck 3 Ultimate Female Survivor Jackie Rice ang kanyang galing sa pag-arte sa season ender ng Dear Friend , ang “Tisay”. Kakaiba ang Jackie na mapapanood ng mga viewers dahil sa four-part season ender na ito ay gaganap siya sa isang kontrobersyal na mature role. starsGaganap si Jackie bilang Ella, isang magandang college student na mapipilitang magtrabaho bilang isang dancer sa club dala ng kahirapan ng buhay. Isa siyang matalinong estudyante na may magandang reputasyon, kaya naman iniingatan niyang walang makaalam tungkol sa kanyang secret life bilang dancer na si Shiva. Dahil sa kanyang angking ganda ay iibig sa kanya si Adrian, isang pre-med student mula sa isang magandang pamilya, na siya ring iibigin ni Ella. Ngunit nang maibunyag ang kanyang pagiging isang dancer dahil ang ama pala ni Adrian ay isa sa kanyang mga regular customers, haharapin ni Ella ang panghuhusga ng lalakeng pinakamamahal niya at ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ipapakita ni Jackie kung paanong haharapin ni Ella ang mga pagsubok na ito at kung kakayanin ba niyang tanggapin ang kanyang sarili pagkatapos lumabas ng katotohanan tungkol sa kanyang double life. Naging challenge naman para kay Jackie ang kanyang pagganap bilang si Ella. “Wala naman pong madali eh. Pero mapapadali naman eh. Ginusto ko namang gawin yun,” pagkukuwento ni Jackie sa press con ng Dear Friend last April 14. Pinaghandaan niya ang kanyang role sa pamamagitan ng panonood ng mga movies na nagpapakita ng role na similar sa kanyang ginampanan. Tinulungan din daw siya ng kanilang direktor na si Jun Lana, at ng kanyang co-star na si Joross Gamboa , na siyang gaganap bilang Adrian. Hindi rin naging madali para kay Jackie ang pagsasayaw sa episode na ito. “Hindi po talaga ako sumasayaw. So yung bago ko tanggapin yung project, [sinabi ko] sa kanila na hindi po talaga ako sumasayaw and then sabi nila okay lang ‘yan and kaya mo ‘yan. And then naniwala na rin ako sa sarili ko na kayak o kasi kung andito sa puso mo, kaya mo yun e.” Hindi ito ang unang beses na gagampanan ni Jackie ang isang mature na role. Maaalalang gumanap siya bilang isang ina last year sa soap opera na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Working with Joross. Masaya naman si Jackie sa kanilang naging tambalan ni Joross. “Actually masaya po ako na pinili po ako ni Joross,” kuwento ni Jackie. “[Happy ako] dahil tinanggap niya yung opportunity na magkatrabaho kami.” stars“Solve na solve ako,” ayon naman kay Joross. “Nagustuhan ko naman na makatrabaho si Jackie [at] syempre yung ibang casts.” Sobrang helpful naman daw ang buong cast ng Dear Friend pagdating sa pagbibigay-buhay sa story, lalo na si Joross. “Sobrang vocal niya, as in first day nagpakilala siya. Sabi ko ‘kakilala kita’ syempre and inopen nga niya agad yung story ng Dear Friend. Sabi nga niya ‘Maganda etong story. Magtulungan tayo’ and sa lahat ng eksena ko na kaeksena silang lahat tinutulungan talaga nila ako,” pagshashare ni Jackie. Dagdag pa nito tungkol kay Joross, “And off-cam si Joross sobrang sweet . Bibigyan ka niya ng upuan. Kung kailangan ka niyang subuan, susubuan ka niya. Sobrang napakagentleman niya po.” Ang Dear Friend presents “TISAY” ay magsisimula na ngayong linggo, April 18, pagkatapos ng Party Pilipinas. Pag-usapan si Jackie sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Jackie. Just text JACKIE (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.

 
 
Related Content