Kapuso Feeds
  • UnangHirit | May 17, 2012 06:15 AM
    TOP HIRIT | Mga nasunugan sa Tondo, nagkagulo sa pamimigay ng pera at relief goods ni Erap; Lim, nauna nang namahagi ng tulong sa mga...
  • MarkTheHerras | May 17, 2012 06:14 AM
    Pack up na!! Yay!!! Morning peeps!!! Time to rest!!
  • mariajolina | May 17, 2012 06:13 AM
    Goodmorning!!! http://t.co/RQ8altLe
  • UnangHirit | May 17, 2012 06:05 AM
    TOP HIRIT | Nakadaong na US attack submarine sa Subic Bay, posible umanong makapagpalala ng tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas...
  • UnangHirit | May 17, 2012 06:05 AM
    TOP HIRIT | Pagdating ng US attack submarine sa bansa, walang kinalaman sa iringan ng China at Pilipinas -SBMA at US Embassy #UnangHirit
  • UnangHirit | May 17, 2012 06:01 AM
    TOP HIRIT | Pilipinas, nagdeklara na rin ng dalawang buwang fishing ban sa Panatag Shoal #UnangHirit
  • officialTIMYAP | May 17, 2012 06:00 AM
    @heart021485 I miss you guys! @msderossi @lovipoe
  • gmanews | May 17, 2012 06:00 AM
    Mga Kapuso, #DZBBsaNewsTV na! May nais ka bang sabihin tungkol sa mga isyu ng bayan ngayon? I-tweet gamit ang hashtag!
  • msderossi | May 17, 2012 05:54 AM
    @lovipoe sana sumipot sya sa taping ko mamaya dahil kailangan ko sya! Gosh!
  • SarahLahbati | May 17, 2012 05:53 AM
    Boy pick up shooting naman!
Now Airing
Unang Hirit
A Happy Heart
Sep 15, 2010

Not only is Heart Evangelista happy dahil sa magandang reviews na nakukuha ng primetime show niyang Langit sa Piling Mo, but also dahil na rin sa takbo ng kanyang career in general. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Connie M. Tungul. stars After her successful show na Langit sa Piling Mo ay magbabakasyon muna sa States si Heart Evangelista kasama ang kanyang pamilya. “I’d go to San Francisco for three days, then I’d go to Vegas with my dad. Iniintay na kami ng daddy ko. Umalis na siya noong isang araw,” kuwento ni Heart. Seventeen days na mamamalagi sa States sina Heart para magbakasyon at excited na nga daw siya dito, “Alam ko iyong mall nila 24 hours. So I look forward to that at saka iyong mga Elvis shows.” Kaya naman sa last taping day nila ay puspusan ang pagtatrabaho ng dalaga dahil kailangan daw talagang matuloy ang lakad nilang ito, “Oo [kailangan naming matapos ito]. Kasi one year na naming ibinlock ito. So kailangan talagang maka-go. Sayang naman [kung hindi matuloy]. Naayos na iyong ticket at lahat.” During the interview ay naikuwento rin ng dalaga ang hirap ng kanyang pagganap bilang Marj. “Siguro kasi lahat ng tao inaapi siya [si Marj]. Yes, that’s normal sa isang role. Pero mahirap pa rin kapag iyon iyong pini-play mong character. Iyak ka nang iyak. May sunog dito, pinagbintangan ka dito. The usual soap opera.,” paliwanag niya, “Sometimes it’s also very draining. Pero good training pa rin siya sa akin. Other than that, good pa rin iyong character ni Marj.” As a matter of fact, ang favorite scene nga ng dalaga dito ay ang iyakan scene niya with Stef Prescott who plays the role of Jenny na nagpanggap na bunsong kapatid nila. “Ang pinaka-favorite scene ko dito iyong sister ko na nagpanggap na siya si Joy. Iyong sinabi niya sa akin na naawa ata siya. Iyon iyong favorite ko sa lahat ng ginawa ko. Totoong iyak [ang ginawa ko doon],” kuwento ni Heart. Ano naman kayang ending ang dapat i-expect ng mga manonood? “Well magpapakasal siya [kay Rigo],” sagot ni Heart, “pero madaming manggugulo. Madaming mga hadlang sa pag-ibig nila.” Dahil sa magandang reviews na nakuha ng show niyang ito, naitanong pa kay Heart kung ano ang sunod na projects niya after this. “When I come back that’s when we’ll discuss,” pahayag ni Heart, “Meron [akong movies], pero hindi pa sure. It’s still under negotiation. It’s really more of a cameo appearance, that’s what I heard. Actually nasarapan ako sa pagko-concentrate sa isang project, movie. Nasarapan ako sa feeling na ganyan. Sana magkaroon. We’ll see. Pero meron pa akong dalawang movies with Regal, so ewan ko lang.” Basta daw sa ngayon ay na-enjoy ni Heart ang pagtatrabaho niya sa Langit sa Piling Mo kaya naman nang amin siyang tanungin kung ano ang masasabi niya sa pagtatapos ng show, isang maikli ngunit napaka-sincere na sagot ang kanyang ibinigay sa amin: “It’s the best soap I’ve ever been with.” Panoorin ang ending ng Langit sa Piling Mo mamayang gabi, bago ang 24 Oras. Pag-usapan si Heart sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get more updates from Heart through her Fanatxt service. Just type HEART (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just type GOMMS (space) HEART (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.

 
 
Related Content