Umamin ang ace comedian na si Joey Marquez na masaya siya sa tinatakbo ng kanyang showbiz career at ng kanyang love life in a recent interview with iGMA.tv. I-reveal na kaya niya finally kung sino ang kanyang special someone? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Nakangiting humarap si Joey Marquez sa iGMA.tv in a recent press conference na ginanap sa GMA Network. Nagkasabay sa pag-ere ang dalawang shows ni Joey sa GMA, ang Kaya ng Powers at ang LoveBug: Say I Do kaya naman masaya ang aktor sa takbo ng kanyang acting career ngayon.
“Unang una nagpapasalamat ako sa GMA kasi kahit minsan hindi naman nila ako pinabayaan. Kaya malaki ang tiwala ko eh. Ngayon parang tele-novela ito, siguro kailangan subukan hindi lang puro comedy di ba?” Ang paunang pahayag ni Joey about his show LoveBug: Say I Do.
Sa nasabing show, kasama niya si Lovi Poe at si Mark Anthony Fernandez.
“First time ko si Mark nakasama. Actually as a director, na-direk ko na siya sa Regal dati, pero ‘yung makasama sa acting, ngayon pa lang.”
Nang naitanong naming kung kamusta naman ang relationship niya with Mark’s mom at ex-partner niya na si Ms. Alma Moreno, ito ang kanyang naisagot:
“Sobra pa kami sa magkaibigan ni Ness ngayon. Mas maganda ‘yung relasyon namin dahil mas open kami sa isa’t isa tungkol sa mga bata,” ang sabi ni Tsong (Joey’s nickname sa showbiz).
Dapat sana ay makakasama nila Joey at Mark si Ms. Alma Moreno sa LoveBug: Say I Do pero hindi ito natuloy, sa halip ay ginampanan ito ni Ms. Carmi Martin.
At dahil, in the mood magkwento si Tsong, sinubukan naming itanong kung bakit tila tahimik ang kanyang love life ngayon, hindi tulad ng kanyang mga nakaraang relasyon.
“Oo naman, marunong na akong magtago ngayon. Dati kasi sagot ako ng sagot eh. Ngayon sabi ko, pag tahimik pala, yung kahit may kasama ka, tahimik ka lang, mas masaya pala.”
“Siguro ang point dun eh, mas maganda ang relasyon na hindi pinaguusapan ng mundo. Yung hindi nalalaman, kasi hindi naman pwedeng pakialaman ang isang bagay na hindi nila alam eh.”
So, for the record, kamusta ang love life niya ngayon?
“Masaya, tahimik, may minamahal...magaling na ako magtago ngayon, magaling na ako! (laughs).”
Panoorin si Joey sa Kaya ng Powers right after 24 Oras Weekend on the Sabado Star Power block ng GMA. Pag-usapan si Joey sa mas pinagandang iGMA.tv Forum. Not yet a member? Register here!
Sep 29, 2010
Para sa Starstruck V alum na si Rocco Nacino, he is living the life dahil sa sunud-sunod na projects at guestings niya sa Kapuso Network

