<i><p>Dadalaw si Budik Villalobos, isa sa finalists ng <i>Amazing Cooking Kids</i>, sa <i>Tropang Potchi</i> ngayong Sabado sa GMA-7.</p></i>
<p>Mula sa kanilang probinsya, tutungong Maynila si Budik para makasama ang host na si Miggy Jimenez, ang kanyang kinakapatid. Magkasama nilang papasukin ang nakakaaliw na mundo ng mga robot na naglalaro ng Sumo wrestling at soccer. Tutuklasin din nila kung paano ang “upcycling” ng mga lumang electronic gadgets upang maging robots.</p>
<p>Habang nasa Maynila, maibabahagi ni Budik ang isang bagay na hindi niya masabi sa kanyang mga magulang. Sapagkat atleta ang kanyang ama at scientist naman ang kanyang ina, nape-pressure siyang sundan ang yapak ng mga ito at napupwersang hindi gawin ang talagang ibig niya - ang magluto. Paano kaya masasabi ni Budik ang kanyang damdamin gayong hinihikayat siya ng kanyang mga magulang na magpursige sa sports at academics?</p>
<p>Samahan ang tropa sa pagtulong sa isa na namang kaibigang humaharap sa pagsubok na minsan ay pinagdaraanan ng mga bata. Panoorin ang <i></b>Tropang Potchi</i></b> tuwing Sabado, 8:30 AM, sa GMA-7.--<i>Text and photo courtesy of GMA Network</i></p>
May 21, 2013
Kris Bernal celebrated her 24th birthday last May 17 but she chose to make it memorable and enjoy her day at Boys Town (Girls’ Home Unit) at Marikina City last May 20.



