Sa huling dalawang linggo ng Hiram na Puso, subaybayan kung mananaig ang pagmamahalan ng mga karakter nina Mark Herras at Kris Bernal sa high-rating afternoon drama ng GMA.
Ayon kay Mark, mas serious acting ang nagawa niya sa Hiram Na Puso. At masasabi niyang challenging pero memorable ang role niya sa drama series. “As an artist dapat handa at prepared ka lagi sa mga ibibigay sa iyong role. Hindi ko makakalimutan ang role ko rito kasi nakatrabaho ko ang mga veteran actors tuald nila Gardo Versoza, Ayen Munji-Laurel at Gina Alajar,” saad ni Mark.
Samantala, alamin kung paano patutunayan ni Prince (Mark) ang kanyang pagmamahal kay Lira (Kris). Anu-ano ang kaya niyang gawin at isakripisyo alang-alang sa pagmamahal sa dalaga. Subaybayan din ang mas mabibigat na eksena at kumprontasyon sa pagitan nina Lira, Vanessa (Bela Padilla), Roxanne (Ayen Munji-Laurel) at Zeny (Gina Alajar).
Huwag palagpasin ang nalalapit na pagtatapos ng Hiram na Puso, Lunes hangang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga, sa GMA Afternoon Prime.



