Ngayong Sabado, papakiligin tayo ng napakagwapong pare ni Ninong, si Richard Gutierrez! Lahat ng bilin ni Ninong, handang ipamigay at ibalato ni Richard para sa mga Kapuso!
Dapat ring pakatutukan ang Boksing-a-long!
Maghaharap sa kauna-unahang pagkakataon ang mga babaeng bumirit at nanalo na sa Boksing-a-long!
Anim na champ biritera ang kailangang magpabilib sa mga judges na may say pagdating sa larangan ng musika! Umpisa pa lang yan dahil sa mga susunod na linggo, masasaksihan niyo pa rin ang iba pang mga nanalo!
Ang paboritong tween love team natin, makakasama rin natin! Sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza ang susubok ng Word Champ kasama ang maswerteng pamilyang maglalaro rin!
At isang milyong piso pa rin ang handang ipamigay ngayong Sabado! May bago nanaman kayang kapuso ang makakapag-uwi nito? At sa lahat ng mga kapuso sa buong Pilipinas, abangan rin ang paraan kung paano makasali sa Easy Manny!
Buong tropa ang handang magpasaya at mamigay ng premyo ngayong Sabado, kaya tutok na 5:45pm sa Manny Many Prizes!
May 20, 2013
Matapos ang Hong Kong and Macau trip ni Pauleen Luna with her boyfriend, Bossing Vic Sotto, naging usap-usapan na nagpakasal na ang dalawa. Diretsahang nilinaw ni Pauleen ang isyu na ito.



