Isang gabi na siksik sa katatawanan, kuwentuhan at kantahan ang ihahain nina PARENG BITOY at PARENG OGIE sa PARE & PARE ngayong Linggo ng gabi!
Uumpisahan nila ang gabi sa kantahan: ang anthem ng mga kabataang WE ARE YOUNG ay may kasabay na video gimmick na kaabang-abang. Bibinyagan din nila ang mga bagyo.. alin kaya sa BAGYONG NADIA, AMALIA at ANNABELLE ang magdulot ng pinakamalaking salanta?
Haharapin naman si ALESSANDRA DE ROSSI ang dalawa sa pinakamatabil na bata, ang fans ng kanyang on-screen katarayan si ANGELINA at BURECHE. Patatawarin kaya ng mga malditang bata ang kanyang lovelife, career at pinakabagong music video? Papasa rin kaya siya sa sampalan challenge?
Kasama rin sa kanilang kuwentuhan ang hottest viral video ng EAT BULAGA sa INDONESIA. Paano kung may version din ito sa Russia, Japan at Zimbabwe—ano ang kalalabasan ng kanilang Pinoy Henyo?
Bibisita rin ang pinakabagong Kapuso heartthrob na si BENJ ALVES. Kayanin kaya niya ang dalawang fans na hot na hot magtayo ng fans club niya? Ibubuking ba nila ang mga showbiz crush at idol niya para lang makakuha ng matamis na ngiti?
Sino naman kaya ang mga Philippine presidents na nagkaisa para gumawa ng MGA KABABAYAN music video?
Maki-tawa at maki-chika kasama sina PARENG BITOY at PARENG OGIE sa “PARE & PARE” ngayong Linggo ng gabi sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng ‘Pinoy Adventures’.



