
Nitong nakaraang linggo, naging malupit ang hagupit ng hanging habagat sa ating bansa. Maraming lugar ang naideklarang nasa state of calamity at maraming Pinoy ang kasalukuyang nahihirapan mula sa salantang naidulot ng malakas na buhos ng ulan.
Pero Kapuso, masamang panahon lang ‘yan! Pilipino tayo! Sabay-sabay tayong babangon!
Ngayong Linggo, saksihan natin ang bayanihan ng mga Pilipino kasama ang buong barkada ng MMP!
Ang MMP co-hosts, dadayo mismo sa San Mateo, Rizal para magbigay ng kaunting saya sa ating mga kapusong naapektuhan ng habagat.
Isasama natin sa studio ang ilan sa kanila para maglaro sa Easy Manny Elimination round.
Hindi lang mga taga Rizal, kundi ang mga taga Malabon at Quezon City rin na biktima ng baha ang magiging players natin.
Lahat sila ay may pagkakataong manalo ng isang milyong piso!
At hindi pa rin tayo magpapaawat pagdating sa kantahan! Tuloy na tuloy ang bakbakan ng mga Boksing-along Grande Belter Male Division? Sino ang magpapataob kanino? Ang susukat sa kanilang talento, ang mga idol natin na sina Nina, April Boy Regino at Ogie Alcasid!
Tara na kapuso, sabay-sabay tayong tumutok sa Manny Many Prizes ngayong Linggo, 2:45pm pagkatapos ng Party Pilipinas!



