Now Airing
Doraemon
 
Protégé hopefuls Jeric at Arny, lalong nagkakalapit!
Aug 21, 2012

Sa showbiz at tunay na buhay, alam nating mahirap tuparin ang ipinapangakong pag-ibig sa tuwing susubukin ng pagkakataon. Matatandaan na nagkakaigihan ang dalawang Protégé  Southern Luzon hopefuls na sina Jeric Gonzales at Arny Ross. Gaano kaya kalalim ang paghanga nila sa isa’t isa?

Sa live interview ng kwelang  Startalk TX host and Protégé Judge Joey De Leon kina Jeric at Arny, ano kaya ang mga aaminin ng dalawang umaasa na magkaroon ng big artista break?

Kitang-kita ang pagiging malapit at kiligan sa pagitan ng dalawa sa Protégé quarters, kaya’t itinanong  ng Startalk TX host na si Joey sa dalawang  hopefuls kung may namamagitan na ba sa kanila. “Hindi naman po! Tito Joey hindi pa naman po,” pagtanggi ng nakagiting si Arny.

Si Jeric ang vocal sa pag-amin na hinahangaan niya ang kagrupong si Arny, kaya’t itinanong dito kung kaya niya bang mabuhay kasama ng ibang Protégé hopefuls na wala ang kanyang inspirasyon, matapos itong masama sa bottom 5 ng kompetisyon last battle night. “Tito Joey, kung matatanggal po si Arny bukas, malulungkot po ako at syempre I will miss her. ‘Di rin po naging biro ‘yong samahan naming ni Arny.”

Inamin din nito na unang beses niya pa lang nakita ang kagrupo, ay agad na siyang humanga. “Opo, kasi po kami po ‘yong magka-group at madalas po kaming magkasama.”

Dahil sa matapang na pag-amin ni Jeric, itinanong naman ni Joey kay Arny, kung mutual ba ang nararamdaman nito sa kagrupo. “ Hindi po ako sure eh. Crush po ba ‘yon? Kasi po sa lahat po ng boys sa Protégé, para po sa akin siya po ‘yong pinaka-attractive, gwapo at mabait. Sweet si Jeric, at kung sakaling isa po ako sa matanggal bukas, gusto ko pa rin po bumalik-balik sa quarters kung papayagan po nila ako.”

Sa second battle night ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break last Sunday, (August 18) hindi nasama ang crowd favorite na si Arny sa listahan ng mga ‘di pinalad, kaya’t tuloy-tuloy ang kanyang laban para sa big artista break. Posible kayang lalo pang  lumalim ang kanilang pagtitinginan sa isa’t isa?

Panoorin sina Jeric Gonzales at Arny Ross sa pinakaaabangang Protégé: The Battle For The Big Artista Break every Friday, pagkatapos ng One True Love at tuwing Sunday, after ng I-Bilib: Wonders of Horus. Subaybayan ang inyong mga paboritong protégé mula Monday to Thursday saInside Protégé, at panoorin ang kanilang mga exclusive footages sa http://www.gmanetwork.com/protege.

 


 
Related Content