Now Airing
Shaggy and Scooby-Doo
 
Together Forever na kaya sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose?
Aug 30, 2012



Ngayong Sabado (Sept. 1) sa Together Forever, nagkatuluyan na sina Ely (Elmo Magalona) at Toyang (Julie Ann San Jose).
 
First boyfriend ni Toyang si Ely, at dahil sa sobrang sweetness ng binata, feeling ni Toyang ay kailangan na rin niyang mag-effort ng todo-todo para sa boyfriend niya. Ang kaso, parang lahat na lang ng ginagawa niya, pumapalpak.
 
Samantala, si Jasmine (Janine Gutierrez) naman ngayon ang maghahabol kay Ben (Benedict Campos) matapos nitong malaman ang ginawa nilang pagpapanggap ni Cholo (Steven Silva)
 
Together forever na kaya sina Ely at Toyang? Paano kung malaman ni Toyang ang sikreto sa kung paano namatay ang parents ni Ely? Willing pa ba si Ben makipagbalikan kay Jasmine, ngayong feeling niya ay niloko siya nito?
 
Alamin ang lahat ngayong Sabado sa Together Forever pagkatapos ng StarTalkTX sa GMA.

 
Related Content