
Expect a fun-filled afternoon with TJ Trinidad, LJ Reyes, and Mona Louise Rey of Aso ni San Roque as they chat with their fans through GMANetwork.com's Live Chat on Thursday, December 6, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m.
Pagkatapos mawalay at inakalang patay na ang isa't isa, nagkita at nagkasama na rin sa wakas sina Mateo at Lualhati. Nakabalik na rin si Fatima sa kanila pagkatapos nilang malaman na ang batang bulag ang kanilang nawawalang anak. Ngunit hindi dito nagtatapos ang kuwento nila, dahil lalong dumami ang kanilang hinaharap na problema, kabilang na ang pagtugis sa kanila ng taumbayan noong nalamang aswang si Lualhati.
Sa dami ng pinagdaanang hirap at pagsubok ng pamilya ni Mateo, mauuwi kaya sa happy ending ang lahat? O paghihiwalayin pa rin sila ng mga alagad ng kadiliman? Paano ililigtas ng itinakdang si Fatima ang mga tao sa kamay ng mga aswang? Tatanggapin na ba ni Lualhati ang kanyang pagiging aswang o patuloy niyang lalabanan ito?
Para sa kasagutan ng mga tanong na ito at malaman ang mga dapat pang abangan sa Aso ni San Roque, join TJ, LJ, and Mona Louise sa kanilang pagbisita sa GMANetwork.com Live Chat studio on December 6, 2012, Thursday, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. Log on to GMANetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.



