What's Hot

How did the making of "Imagine You and Me" affect AlDub's relationship?

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 10:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Yemen's Huthis release footage of missing crew from sunken Eternity C ship
Progressive groups stage ‘People’s SONA,' give PBBM failing mark
26,000 taga-Pangasinan na naapektuhan ng Bagyong Emong, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Find out!


Ramdam ang kilig sa live interview ng 24Oras sa Eat Bulaga power couple na sina Maine Mendoza at Alden Richards ngayong gabi (June 22) habang nasa mall show sa Gaisano Island Mall Mactan, Cebu.

Sa panayam ni Iya Villania sa dalawa, umamin ang AlDub na lumalim ang kanilang relasyon habang ginagawa ang “Imagine You and Me.”

IN PHOTOS: AlDub at the Cebu press con of 'Imagine You and Me'

Ayon kay Alden, “Mas lumalim pa kung malalim na before. Kumbaga tingin pa lang, nagkakaintindihan na kami. Tahimik pa lang alam mo na. So talagang it’s really a blessing that we were able to shoot sa Italy [and] kumbaga, to make a project that is really in time for our anniversary this coming July 16.”

Para naman kay Maine, regalo nila ang movie para sa milyon-milyong loyal supporters nila.

Aniya, “At eto na ‘yung isa sa mga regalo namin sa AlDub Nation para sa isang taong suporta. Kulang pa, kulang pa.”

Dagdag ni Maine na maipapakita sa "Imagine You and Me" ang ganda ng Italy kung saan kinuhaan ang ilan sa kanilang mga eksena. 

“Maipapakita sa pelikula kung gaano kaganda ‘yung mga pinag-shootan namin."
Nagkuwento din ang Pambansang Bae na sa tulong ng kanilang pelikula, mas nahasa sila bilang mga aktor.

Paliwanag ng Kapuso actor, “Of course para po sa mga Kapuso natin and sa lahat ng AlDub Nation, ito po ‘yung una naming pelikula namin ni Maine na magkasama as lead stars and kumbaga, na-test ‘yung limits namin. I mean ‘yung capacity namin as actors dito sa film na ito and marami silang aabangan ditong eksena. Marami kaming nagawang eksena dito na talaga namang maipagmamalaki namin sa lahat ng mga manonood. We are very excited; we can’t wait for July 13.”

Inusisa din ni Iya kung ano ang mga plano nila sa kanilang first year anniversary sa darating na July, pero naging matipid ang sagot ng AlDub.

Saad ni Alden, “That’s a surprise. Maski kami masu-surprise din sa mga plano namin. The whole idea naman  of kalye-serye before and  AlDub was on the spot, so doon kami mag-iistick sa mga surprises na on the spot, [na] hindi pinaplano. ”

MORE ON ALDUB:

International best-selling author Lang Leav praises Maine Mendoza for the wonderful lyrics of the theme song of 'Imagine You and Me'

LOOK: 14 must-see AlDub throwback photos

Celebrity Fans of AlDub