Kapuso Feeds
Now Airing
Eat Bulaga

Thursday

February 23, 2012

GNTV
Starting at 2 p.m. today, GMA News TV programs will be pre-empted by the special coverage of the impeachment trial of Chief Justice Corona.
 
04:23

Born to Be Wild

Special

This is where the wildest adventures happen. Join Romi and Dok Ferdz in this one of a kind travel and wildlife show.
05:00

Unang Hirit

Magazine

Start your day with the coolest morning barkada, as they give you that much-needed head start with the latest news, tips, and stories. Make this your morning habit and get hooked on the longest running morning show in the country!
08:15

Tom and Jerry

Anime

Here’s one cat-and-mouse game that never gets old! Catch the hilarious and never-ending rivalry between Tom and Jerry.
08:35

Detective Conan

Anime

Size does not always matter. The smallest, smartest, and cutest detective on TV is out to prove this once more as he solves the most puzzling mysteries and cases!

09:00

Yu-Gi-Oh

Kiddie Show

09:20

Bleach

Anime

Ichigo is a typical high-school student except for one thing: he can see ghosts. One day, he meets Rukia, a calm girl who introduces herself as Death and involves Ichigo in a fight with a frantic ghost. In the struggle, Rukia rushes forward to protect Ichigo from the ghost and is seriously wounded.  As a last resort, Rukia decides to transfer her last drop of energy to Ichigo.  Using a gigantic sword produced by the power of Death, Ichigo defeats the evil ghost.  Since then, circumstances force Ichigo to battle against the ghosts until Rukia recovers her powers.  Ichigo and Rukia, a pair formed by chance and marked by frequent quarrels, forge a strong partnership over the course of breathtakingly perilous missions…
09:45

Knock Out

Anime

10:15

Kapuso Movie Festival

Special

Everyday is movie day! Get the whole family and the entire barkada together and watch your favorite big-screen attractions right in the comfort of your own home.

11:45

Kusina Master

Special

Kusina Master is a 15-minute cooking program in front of live audiences that will unfold excellent kitchen skills and unravel the secrets in cooking, making everyday food preparation effortless.

Hosted by Chef Pablo “Boy” Logro, Kusina Master, will guide every viewer to a step-by-step food preparation with practical cooking tips added with special techniques in making quality and scrumptious dishes everyday.

Every week, there will be one Kapuso Celebrity who will be Chef Boy’s co-host to assist him in the preparation of palatable food for every occasion.

Each episode will be a cooking experience because Chef Boy will also have one celebrity student who will learn and discover the secrets of how to be a Kusina Master.

After each episode, Kusina Master Chef Boy will give an assignment to the viewers on what they need to prepare for the next cooking episode.
12:00

Eat Bulaga

Variety

The nation’s official lunchtime tradition 30 years in the running! Join Tito, Vic, Joey and the rest of the Dabarkads as they complete your day with top-notch entertainment from the longest running noontime show in the country!

14:40

Kokak

Drama

Ruben Marcelino’s iconic komiks serial comes alive on the big-screen. Sarah Lahbati plays Kara – beautiful woman by day; and a frog by night. Follow her story as she faces the many challenges and transformations in her life.

Ang kwento ng "Kokak" ay nagsisimula sa pag-iibigan ng mga magulang ni Kara na sina Renato (Gary Estrada) at Angela (Jessa Zaragoza). Bagama't magkakaanak na ang dalawa, hindi pa rin matanggap ng ex-girlfriend ni Renato na si Vicky (Angelika Dela Cruz) na iba na ang mahal ng lalaki kung kaya nagpakamatay ito.

Labis na ikinalungkot ni Veronica (Deborah Sun) at Carlito, ina at kapatid ni Vicky, ang pagkamatay ng dalaga. Dahil dito, nagdesisyon si Veronica na iganti ang kanyang anak. May lahing mangkukulam, isinumpa ni Veronica si Renato upang mawala ito sa katinuan. Isinumpa din niya ang buntis na si Angela at iniwan ito sa isang sapang puno ng mga palaka.

Matapos ang insidente, hindi na nakita pa ni Angela si Renato at inisip niyang iniwan siya nito. Itinuloy pa rin niya ang kanyang pagbubuntis sa tulong ng kanyang Tya Berta (Ms. Caridad Sanchez).

Hindi nagtagal, nagsilang ng isang babaeng sanggol si Angela at pinangalanan niya itong Kara. Normal ang bata hanggang sa paliguan niya ito at bigla itong naging palaka! Nang malaman ng barangay ang tungkol sa sanggol, nagdesisyon si Angela at Tya Berta na manirahan na lamang sa isang tagong gubat.

Lalaki si Kara na walang nakikitang tao liban sa kanyang ina at Tya Berta. Hindi rin niya alam ang tungkol sa mga lalaki. Pinagbabawalan siya ni Angela na lumayo sa gubat dahil may mga impakto at maligno raw sa labas nito.

Bagama't kuntento sa pagmamahal ng ina, nararamdaman ni Kara na may kulang sa kanyang buhay. Minsan, maglalakas-loob si Kara na pumunta sa bukana ng gubat at matatagpuan niya ang sugatang si Carl, ang unang lalaking kanyang makikita. Kahit natatakot siya, lalapitan niya si Carl upang gamutin ang sugat nito. Samantala, akala naman ni Carl ay isang diyosa ang tumutulong sa kanya.

Matapos tulungan si Carl, uuwing masaya si Kara dahil sa kanyang nadiskubre. Nahulog agad ang kanyang loob sa binata at gusto niya itong makitang muli. Kaya lamang, nang balikan niya ito, mga lalaking taga-bayan ang makikita ni Kara at mahahalina ang mga ito sa kanyang ganda. Hahabulin siya ng mga ito hanggang sa mabasa ang kanyang mga paa at magpalit-anyo siya bilang isang palaka.

Matutunton ng mga lalaki ang bahay nina Kara sa kagubatan at susunugin nila ito. Makakatakas naman sina Angela, Tya Berta at Kara ngunit magkakahiwalay sila at mapapadpad si Kara sa Maynila. Doon, magiging kaibigan niya ang magkapatid na Roco at Rafa (Frencheska Farr).

Kakayanin ba ni Kara ang pamumuhay sa siyudad? Makikita pa ba niya ang kanyang ina? Paano kung muling magtapo ang landas nila ni Carl? Matatanggap kaya siya ng binata gayong ang kanyang mga magulang ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid nitong si Vicky?

Samahan si Kara sa paglaban sa kanyang sumpa at sa mga multo ng nakaraan ng kanyang mga magulang. Tunghayan din ang naiibang ganda na nagmumula sa kanyang matapang na puso.

Sa kabila ng kanyang sumpa, mapapaibig ni Kara ang dalawang lalaking ginagagampanan ng mala-prinsipeng Kapuso actors na sina TJ Trinidad at JC Tiuseco. Si Carl (TJ) ay ang unang lalaking makikita at iibigin ni Kara samantalang si Roco (JC) ay isang small-time crook na martir na iibig sa dalaga.

15:30

The Good Daughter

Drama

Episode 9

Galit na galit  si Bea at magsasabunutan sina Bea at Frances. Hindi sila maawat nina Sharon at Ziri. Tutulong sana si Sharon pero maririnig ang boses ni Rico at mag-iiba ang “drama” ni Sharon. Makikita ni Rico ang pagsubunot ni Bea kay Frances.

 

Maririnig ni Julia ang bintang ni Bea kay Sharon na siya ang pumatay sa kanyang ina at matatakot si Julia. Pipilitin ni Bea ang kanyang ama na paalisin sina Sharon.

16:15

Broken Vow

Drama

Episode 14

Hindi makapaniwala si Melissa na luluhod sa harapan niya si Roberto. Handang gawin ni Roberto ang lahat para mapatawad siya ni Melissa. Hindi bibigay si Melissa sa pagmamakaawa ni Roberto dahil kahit kailan ay hindi na niya ito mapapatawad.
 
Kinukutuban si Felix na hindi nagsasabi ng totoo Melissa tungkol sa tunay na pagkatao ni Roberto kaya lalapitan niya si Amor upang tanungin kung nasa Pilipinas na si Roberto Sebastian. Wala nang magagawa si Amor kundi umamin.
17:50

Alice Bungisngis

Comedy

Episode 14

Sa halip na pasalamatan, tututukan pa ni Doray si Alice ng kutsilyo. Ipagtatanggol naman ni Ipeng ang anak-anakan. Ikakalungkot ito ni Alice. Maikukuwento ni Ipoeng sa kaniya si Alicia na isang mabuting manggagaway.
 
18:30

24 Oras

News

News happens round the clock. And GMA is here to give you every important news item of the last 24 hours, delivered by the country’s most-trusted newscasters, Mike Enriquez and Mel Tiangco.
19:50

Biritera

Drama

Episode 14

Tuloy naman ang party kung saan darating din sina Mikmik at iris na tahasang kukunin ang atensyon ni Andrei para lalong mapalapit dito. Pero mas na kay Roseanne ang atensyon ni Andrei. Lagi niya itong inaasikaso na siyang ikinaiinggit ni Barbie. Pagbibintangan ni Barbie na sumisipsip si Roseanne kay Andrei na itatanggi naman agad ni Roseanne.

20:35

Legacy

Drama

 
Ang LEGACY ay ituturing na isang “glossy drama masterpiece” sa kasaysayan ng Philippine Primetime Television. Ito ay pagbibidahan ng dalawa sa pinakahinahangaan at award winning actresses ng makabagong henerasyon --- 2009’s MMFF Best Supporting Actress Heart Evangelista bilang Diana Calcetas at 2010’s FAMAS Best Actress Lovi Poe bilang Natasha Alcantara.

Magbibigay ng kulay at panibagong timpla sa serye ang mga mahuhusay na leading men sa industriya ngayon --- Geoff Eigenmann bilang Josh Ledesma at Sid Lucero bilang Iñigo Salcedo.

At si Alessandra de Rossi ay gaganampanan ang karakter na si Bernadette Alcantara, samantalang si Mike Tan ay si Third San Jose. Sila ang dalawa sa mahahalagang karakter na magbibigay ng mga kapana-panabik na tagpo sa LEGACY.

Magsisimula ang kwento kay Cesar, anak ni Don Romualdo, na mahuhulog ang loob sa isang factory worker na nagngangalang Isabel. Sa lahat ng babaeng kanyang nakilala, kay Isabel lang siya naging seryoso. Ngunit, ang kanyang ama ay pinipilit siyang magpakasal kay Eva, ang tagapagmana ng bangko na nagpahiram sa kanila ng pera para maipagpatuloy ang kanilang negosyo. Magdedesisyon si Cesar na ipaglaban ang kanyang pag-ibig para kay Isabel subalit mababago ang sitwasyon ng sabihin ni Eva na buntis siya.

Nagkaroon na noon ng anak si Cesar, si Bernadette, sa isang bold star na si Anna Marie subalit hindi ito kinikilala ni Don Romualdo.

Isang araw, nang subukan ni Eva na kumprontahin si Isabel, magkakaroon ng gulo na magdudulot sa mga rallyistang trabahador na makulong, kasama dito sina Isabel at Lucio, ang kanyang masugid na manliligaw. Umaasa si Isabel na gagawa ng paraan si Cesar para makalabas sila ng kulungan. Natupad ang kanyang inaasahan, naiurong ang kaso laban sa kanila at sila ay nakalaya.

Sa sobrang kagalakan ni Isabel, nagmamadali siya patungo sa opisina ni Cesar para magpasalamat sa naitulong nito. Ngunit ikagugulat nito ang pagpapaalis sa kanya ni Cesar sa kumpanya at pagpuputol sa kanilang magandang relasyon. Hindi kinaya ni Isabel ang kanyang mga narinig, gumuho ang kanyang mundo. Sa sobrang lungkot at depression, mahihimatay siya. Dadalhin siya ni Lucio sa ospital. Ikagugulat nila ang balita na siya ay nagdadalantao. Mangangahas siyang sabihin ito kay Cesar ngunit palalayasin siya ni Eva.

Haharapin ni Eva ang kanyang kinatatakutan na baka iwanan siya ni Cesar kapag malaman nitong nagdadalantao si Isabel. Kukumbinsihin si Eva ng kanyang ina na paninidigan na lamang ang pagpapanggap na siya ay buntis. Hahanap sila ng batang maampon para maging matagumpay ang kanilang mga plano. Papangalanan nila ang bata na Natasha.

Sa paglipas ng panahon at sa di inaasahang pagkakataon, ang pinaka-bagong Marketing Officer ng Legacy Corporation na si Natasha at ang kanyang kapatid sa ama na si Diana ay magku-krus ang landas sa isang kompetisyon na “Search for True Tala Beauty” --- mag-uumpisa ang rivalry sa pagitan nila.
 
Bubuhos ang emosyon sa hindi inaasahang pagpanaw ng pinakamamahal na CEO ng Legacy Corporation na si Cesar Alcantar. At sa kanyang biglaang pagpanaw, mag-aalab ang kagustuhan nina Diana at Bernadette na makuha ang kanilang karapatan bilang mga anak din ni Cesar.

Sa kanilang laban sa pagmamamana ng LEGACY ng kanilang pumanaw na ama, hanggang saan ang kaya nilang gawin at ipaglaban? Sino ang mananatiling matibay? At sino ang magiging tagapag-mana ng LEGACY Corporation?


Sa ilalim ng direksyon ni Jay Altajeros, saksihan ang pag-apaw ng ganda, pag-ibig at drama sa inaabangang primetime series na babago sa kasaysayan ng entertainment television, ang LEGACY, Lunes hanggang Biyernes, simula January 16, 2012 sa GMA 7.
21:20

My Beloved

Drama

The story begins when Sharina's happy life turns upside down with the death of her father, Romeo. Left all alone with nothing and no one to care for them after her mother eloped with another man, Sharina and her younger sister Monica must now live and work under the strict rules of their aunt Elsa and her daughter Ginella.
 
Life has been unbearable for the two sisters, but Sharina does not give up in despair, and instead strive to get an education through the help of Lily played by Rio Locsin in a special guest role, a kind-hearted teacher who treats Sharina like her own daughter.
 
Tragedy has struck Sharina's world once again when Lily passed away. Much to her surprise, Lily entrusted her small business including her house to Sharina. So, together with her sister Monica, Sharina decided to move in to Lily's house and start a new life. 
 
One day, Sharina sees Lily's old painting of a man inside her ancestral house. She also gets hold of Lily's diary and learns of her encounter with a man who saved her from an accident. Lily fell in love with this mysterious person and waited to be reunited with him until her last breath.
 
Completely intrigued with the identity of the good-looking man on the canvas, Sharina could not get the face of the man out of her mind and it repeatedly haunts her dreams every night. Until she meets an accident and Sharina finally comes face to face with the mystifying being in the painting. The man saves her from death and Sharina kisses him before he disappears.
 
In the divine realm of angels, one strict rule applies to every "sundo": that no angel of death can fall in love with a human being. In such case, Arlan has freely chosen to give up his immortal state when he genuinely kissed Sharina back.
 
Meanwhile, when Sharina wakes up, she searches for her rescuer and falls in love with him. Unknown to her, the man in the painting and her rescuer is one and the same person.
 
But by a startling twist of fate, Sharina and her "mystery" man's paths will entwine as she meets Benjie, a playboy and a member of small-time syndicate. The angel Arlan, who has been punished and banished to earth to become a mortal, transfers his soul into Benjie's body and has equally fallen in love with Sharina. Now, Arlan must live a life of a mortal, and redeem himself to go back to heaven.
 
As Sharina yearns to be united with her mystery man, she will face many struggles after discovering his real identity as a thief and gangster. Now trapped into Benjie's body, Arlan must learn how to feel human emotions and endure the day to day life of a normal human being.  
 
Now that the two fated lovers are reunited, how will Sharina accept the truth about Benjie's violent and shady past as a criminal? How will the fallen angel Arlan cope with his newfound life as Benjie, as he deals with the various temptations and struggles of being a human being?   
 
As the two unlikely lovers enter an earthly relationship, will Arlan succeed in fulfilling his mission of saving his beloved Sharina with his second chance at life, and at love? Will our star-crossed lovers realize their destiny to once and for all be together even in the next lifetime? Will their love story and commitment to be together last till eternity? Is Sharina willing to commit sins for the sake of her loved ones? Will Arlan be willing to go to hell and back to save his beloved Sharina?

22:05

Dong-Yi

Drama

Set during the reign of King Sukjong in the Joseon dynasty, the story focuses on Dong Yi, a water maid who gains the trust of Queen Inhyeon.

Dong Yi later gains the favor of the King as well when he is moved by her prayers for the health of the Queen during the court disputes caused by Jang Hee Bin. Dong Yi becomes a concubine with the rank of sook-bin and bears a son who will later become the 21st king of Joseon, Yeongjo.

22:50

Saksi

News

The day is about to end but Serbisyong Totoo doesn’t stop. Cap off your night with the latest news from from Arnold Clavio and Vicky Morales.

23:20

Rescue

Special

Fasten your seatbelts and hop in with Arnold Clavio in this reality-documentary program that features actual rescue operation footages of life-threatening situations. 
Feeds
facebook
 
twitter
 
 
Events