What's Hot

READ: Klea Pineda, naging emosyonal nang maalala ang yumaong lolo para sa kaniyang debut

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 21, 2017 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Wala na kasing lolo si Klea sa mother at father side.

Hindi napigilan ni Klea Pineda na maging emosyonal nang maalala ang yumaong lolo niyang si Papang sa blogger's conference ng kaniyang debut na #EighteenK. 

Kahit ilang taon na rin ang lumipas, nabanggit ni Klea na may kirot pa rin siyang nararamdaman sa tuwing naaalala ang kaniyang Papang.

Aniya, "Sana na-congratulate ako ni Papang, audition pa lang ng StarStruck wala na siya eh. Sobrang close ako sa lolo ko, hanggang ngayon 'pag naririnig ko 'yung [pangalan] na 'Papang,' talagang [naninikip] 'yung heart ko."

 

Klea Pineda cries as she talks about her papa (lolo), who she wished could witness her turning 18 debut party this coming March 25 at the Wave Poolside of the Nobu Hotel, City of Dreams! MORE of @kleapineda NEXT on www.raindeocampo.com #rainCHECK #EighteenK @artistcenter

A post shared by Blogger.Wanderer.Child of God? (@writtenbyraindrops) on


Inamin din ni Klea na may naramdaman siyang kaunting inggit sa co-star niyang si Gabbi Garcia nang umattend siya ng debut nito last December 6.

"Kasi po parents ko [on] both sides, wala na akong lolo. Share ko lang, 'yung kay Gabbi (Garcia) nung debut niya, nakita ko na nasayaw niya 'yung lolo niya on both sides. Naiyak ako nun kasi sabi ko 'Wala nang sasayaw sa akin na lolo ko,'" pag-amin ni Klea.

Gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat ni Klea sa kaniyang supportive na parents.

"Until now, strict pa rin sila sa akin (laughs). Siguro hahayaan nila akong mag-decide pero i-ga-guide pa rin nila ako. Kailangan ko pa rin ng opinyon nila, kung tama ba 'tong gagawin ko. Hindi porket 18 na ako, kailangan independent na rin ako sa lahat ng gagawin ko, still parang baby pa rin ako para sa kanila. And kailangan ko pa rin ng cuddle nila as my parents," wika ng 18-year-old.

 

#KleaPineda @kleapineda with her mom Charito at the press conference for her debut #EighteenK #GmaArtistCenter #kapuso #Gma7

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on


Nakatakdang magdiwang ng debut si Klea ngayong Sabado, March 25 sa Nobu Hotel, City of Dreams.

MORE ON KLEA PINEDA:

Klea Pineda celebrates 18th birthday with Kleanatics 

LOOK: Klea Pineda stuns in her pre-debut photos, #EighteenK

LOOK: Klea Pineda's transformation from 'StarStruck' Ultimate Female Survivor to full-fledged artista!