Walang makakapantay sa tuwang nararamdaman ng award-winning comedienne na si Rufa Mae Quinto sa natanggap niyang blessing ngayong Valentine’s season.
Kahapon, February 17 ipinanganak niya ang baby nila ng kaniyang asawa na si Trevor Magallanes na pinangalanang Alexandria.
Sa comment section ng kaniyang Instagram account, nagbigay ng ilang detalye si Rufa Mae patungkol sa kaniyang healthy baby girl.

Bumuhos din ang pagbati mula sa mga showbiz friends ni Rufa Mae, ilan sa mga nagpaabot ng mensahe sa celebrity mom ang mga nakatrabaho niya sa Bubble Gang na sina Ara Mina, Aiko Melendez at Arny Ross.

MORE ON RUFA MAE QUINTO:
24 must-see photos of Rufa Mae Quinto's gorgeous wedding
WATCH: Rufa Mae Quinto's wedding video will make you laugh & cry over & over again