
Very useful ang naging regalo ni celebrity mom Mariel Rodriguez para kay Alas Joaquin, anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Alas habang ginagamit na ang automatic baby rocker at nagpasalamat kay Mariel.
Ang partikular na model na ito ay may limang magkakaibang motions para ihele ang bata. Puwede pang i-connect ito sa bluetooth-enabled device para makapagpatugtog ng music para sa baby.