
Masayang ibinahagi ni Zia Dantes ang kanyang birthday wish para sa kanyang ina na si Marian Rivera. Nag-celebrate si Marian Rivera ng kanyang birthday kahapon, August 12.
Sa fan page ng anak nina Marian at Dingdong Dantes ay ibinahagi nila ang video na sinabi ni Zia ang wish niya para sa kanyang mommy. Sagot ni Zia, “Baby brother!”
LOOK: Baby Zia's precious birthday gift to mom Marian Rivera
Nagpasalamat naman ang Kapuso Primetime Queen sa mga taong nagpakita ng pagmamahal sa kanyang 34th birthday nitong August 12.
“I am very grateful sa buhay ko ngayon at nagpapasalamat ako sa lahat ng naging parte nito. Masasabi kong happy talaga pagiging 34 ko dahil sa inyong lahat.️"