What's Hot

WATCH: Ilang celebrities, proud to be breastfeeding moms

By Cara Emmeline Garcia
Published August 13, 2019 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Breastfeeding Month, kilalanin ang mga tinatawag na "padede moms."

Ika nga nila, nothing beats a mother's love.

Kaya naman ngayong Breastfeeding month, saludo ang GMA sa ilang celebrity moms na kinakarir ang pagbe-breastfeed sa kanilang cute na cute na babies.

Isa na diyan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na proud to be a “padede mom.”

Sa katunayan, sa dami ng kanyang napo-produce na milk ay ibinabahagi pa niya ito sa mga babies na nangangailangan nito.

“Nung nanganak ako kay Ziggy, tapos ang dami kong milk nagpa-pump na ako at nagse-save na ako.

“So marami akong milk, that's for sure, ang dami kong tambak sa bahay.”

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Marian Rivera honored for being an inspiration to Padede Moms

Maliban kay Marian, isang proud padede mom din si Rochelle Pangilinan na nagdo-donate rin ng kaniyang excess milk sa mga babies.

Salamat sa active lifestyle at healthy diet, 'yun raw siguro ang dahilan kung bakit mayroon siyang napo-produce na golden milk para kay Baby Shiloh.

“Wala pa akong alam noon. Sabi nila, 'Wow! Golden milk!'

“Siguro dahil 'yung lifestyle ko before na healthy food lahat. 'Yun siguro 'yung reason kung bakit meron akong golden milk.”

Panoorin ang ulat ni Suzi Abrera:

LOOK: Beautiful breastfeeding celebrity moms

Kylie Padilla on the joys and pains of breastfeeding