What's Hot

EXCLUSIVE: May basbas kaya ni Jestoni Alarcon ang pagpasok sa showbiz ng anak niyang si Angela?

By Aedrianne Acar
Published September 12, 2019 3:30 PM PHT
Updated September 12, 2019 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jestoni Alarcon daughter Angela Alarcon


Nagpapasalamat si Jestoni Alarcon sa pagkakataong ibinigay sa anak niyang si Angela.

Hindi maalis ang ngiti sa mukha ng actor na si Jestoni Alarcon nang mapag-usapan ang kanyang anak na si Angela, na pinasok na rin ang pagiging isang artista.

Kabilang ang newbie actress sa pinakabagong GMA Telebabad series na Beautiful Justice. Gumaganap siya rito bilang bestfriend ni Brie, na ginagampanan naman ni Gabbi Garcia.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Jestoni sa All-New September Primetime event kamakailan, sinabi niyang sobrang proud siya na tinupad ng anak ang pangako nito na makapagtapos ng pag-aaral muna bago maging artista.

A post shared by Angela Alarcon (@angelaalarcon) on

Wika niya, “Excited ako for her. Natutuwa ako dahil ang promise niya kasi, “Dad, gusto ko mag-enter ng showbiz after my graduation.'

“So, natapos naman siya ng [Speech Communication] sa University of the Philippines and thank you, Lord, naging cum laude pa siya, so very proud of her.

“Napapag-uusapan namin pero mas gusto ko ng wife ko na si Lizzette na talagang maka-graduate siya, para whatever happens may fall back pa rin siya, may career pa rin siya na puwedeng gawin hindi lang sa showbiz.”

Taos-puso din ang pasasalamat ni Jestoni sa GMA Artist Center na siyang nagha-handle sa career ni Angela.

“Timing naman after graduation nakuha naman siya ng GMA Artist Center, so very thankful naman kami sa GMA makakapag-concentrate na siya.”

Napapansin din Kapuso actor na nakikita na nag-e-enjoy sa ginagawa niya ang kanyang anak.

“Ine-enjoy naman niya, okay naman siya. Mas maganda 'yung work mo, trabaho mo, gusto mo at ine-enjoy mo kaysa napipilitan ka lang dahil pinipilit ka ng parents mo, di ba?

“Ito gusto niya, happy siya!”

EXCLUSIVE: Anak ni Jestoni Alarcon, sasabak sa action-packed series na 'Beautiful Justice'

'Beautiful Justice' world premiere powers its way to the top spot in Twitter PH

'Gabbi Garcia's character in 'Beautiful Justice' captivates netizens on Twitter