
Mother of two na si StarStruck Season 4 alumna Jewel Mische.
Ipinanganak niya ang kanyang second baby na si Emerald Jade o Emrie noong April 3.
Bago nito, may isang anak na sila ng kanyang asawang si Alex Kurzer, isang baby girl din na nagngangalang Aislah Rose.
Ikinumpara naman ni Jewel ang naging karanasan niya sa dalawa niyang pagbubuntis.
"I've been in straight mommy mode the past month. Diapers, breastfeeding, not a lot of sleep, soothing, and recovering from normal (without pain meds) delivery. Everything is much easier though this time around," sulat niya sa kanyang Instagram kalakip ng picture niya habang pinapa-breastfeed ang bunso.
"My childbirth and recovery experience with Aislah was tremendously hard. Emrie's birth was a dream and recovery is much easier. My learning curve to baby's needs (as well as mine) is immensely faster too," dagdag pa niya.
Bukod dito, nakatulong din daw na laging nasa bahay ang kanyang asawa lalo na at dalawa na ang kanilang supling.
"Of course, having more than one child at home is a different challenge... But having my husband “stuck” with us also makes a world of difference," aniya.
Umaasa daw siyang maraming ma-inspire sa positibo niyang kuwento, lalo na at may matinding pinagdadaanan ang mundo.
"I am hoping to get to share my positive birth story one of these days. I believe there is power in positive stories and testimonies, especially right now," pagtatapos niya.
Kabilang si Jewel sa mga nanay na nagsilang habang hinaharap ng mundo ang COVID-19.
Aminado siyang may mga alinlangan siya para sa anak na dumating sa mundo sa gitna ng sakuna. Gayunpaman, mas mananaig daw ang paniniwala niya sa Diyos at naniniwala siyang hindi nito pababayaan ang bunso niya.