
Ipinaliwanag ni Mavy Legaspi kung bakit siya ang mas matanda sa kakambal niyang si Cassy.
Nang mag-guest sa Unang Hirit kaninang umaga, July 6, ang kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, tinanong ni Suzi Entrata-Abrera kung sino ang panganay sa kanilang dalawa.
Paliwanag ni Mavy, “Cassy and I were born in the States. Normal delivery, it was supposed to be Cassy but then I held her back, so my mom had to get C-section.”
“So that's when I came out first.”
Paliwanag ni Cassy, kung natural childbirth, siya ang mauuna dahil mas malapit siya sa labasan pero dahil caesarean delivery, unang inilabas si Mavy dahil nasa taas siya.
“I came out first but in America, in the states, they said [Cassy's] older,” saad ni Mavy.
Dagdag ni Cassy, “They said I'm older kasi sa positioning ng normal delivery. But in the Philippines, whoever goes out first, siya na 'yung ate/kuya.”
Kinuwento rin nina Mavy at Cassy, nagkaroon sila ng 'private conversation' tungkol sa kanilang career noong 18th birthday nila.
Panoorin ang buong interview nina Mavy at Cassy:
Mapapanood sina Mavy at Cassy kasama ang kanilang ina na si Carmina bilang host ng cooking talk show ng GMA na Sarap 'Di Ba tuwing Sabado, bago mag-Eat Bulaga.