
Hindi maikakaila na isa sa mga tampulan ng pangungutya ng mga bashers online ang 2016 FHM Sexiest Woman in the Philippines na si Jessy Mendiola.
READ: Jessy Mendiola, a proud "pata girl"
Ilang beses na napaulat sa mga entertainment websites at gossip blogsites ang mga negative comments ng Internet trolls patungkol sa pangangatawan ni Jessy.
Pero sa halip na malungkot, ipinagpatuloy ng aktres ang pagwo-workout at ngayon ipinasilip niya sa kaniyang mga followers sa Instagram ang bunga ng lahat ng kaniyang pagod sa gym.
Sa post niya sa Instagram Stories, ipinakita ni Jessy ang mas maliit na niyang beywang.
Palaban na rin si Jessy sa mga bashers na walang tigil na pumupuna sa kaniya online.
Silipin ang sagot ng mestiza beauty nang sabihin ng isang netizen na tila distorted ang photo niya sa Instagram.