GMA Logo Heart Evangelista Camille Prats at Sanya Lopez nagdonate ng kanilang mga gamit sa Celebrity Ukay Ukay
What's Hot

WATCH: Heart Evangelista, Camille Prats, at Sanya Lopez, nagdonate ng kani-kanilang mga gamit sa Celebrity Ukay-Ukay

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 31, 2019 11:55 AM PHT
Updated December 23, 2019 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista Camille Prats at Sanya Lopez nagdonate ng kanilang mga gamit sa Celebrity Ukay Ukay


Ito na ang pagkakataon mo na makabili ng pre-loved items mula kina Heart Evangelista, Camille Prats, at Sanya Lopez.

May pagkakataon na ang publiko na mabili ang mga gamit ng Kapuso artists na sina Heart Evangelista, Camille Prats, at Sanya Lopez sa nalalapit na GMA Celebrity Ukay-Ukay sa Noel Bazaar.

Dinonate ni Heart ang dalawang luxury bags galing sa Sequoia Paris, isa sa maraming brands na kanyang ineendorso. Espesyal ang mga ito dahil ito ang kanyang ginamit sa kanyang unang collaboration kasama ang brand.

Ready to score Heart Evangelista's pre-loved luxury bags? Get them only at Noel Bazaar!

Isang maternity dress naman ang ibinigay ni Camille Prats na ginamit niya noong baby shower ni Baby Nala.

Black dress naman ang idinonate ni Sanya Lopez na ginamit niya noon sa 'Walang Tulugan.'

May pagkakataon din ang mga tao na makasama si Heart mag-shopping sa unang araw ng Noel Bazaar sa November 27 sa Filinvest Tent sa Alabang.

Alamin ang buong detalye tungkol sa Celebrity Ukay-Ukay sa report na ito: