GMA Logo boy abunda
What's on TV

Boy Abunda, proud sa kaniyang upcoming TV special na 'My Mother, My Story'

By Kristine Kang
Published April 30, 2024 11:23 AM PHT
Updated May 8, 2024 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

boy abunda


Boy Abunda sa kaniyang TV special: "Lahat tayo makaka-relate dahil lahat tayo anak. Lahat tayo may ina."

Nitong Lunes (April 29), masayang inanunsyo ng King of Talk na si Boy Abunda ang kaniyang TV special para ngayong Mother's Day na My Mother, My Story.

Aniya, ang bagong programa ay puno ng emosyon at revealing conversations dahil mababahagi ng mga celebrities ang kanilang mga istorya kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang.

Sa kaniyang paliwanag tungkol sa palabas," Dito magbabahagi sila kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang. Paano sila tinaguyod, paano sila nasaktan, paano sila naging masaya sa buhay, paano silang tinuruan magmahal at hindi natuto magmahal, at iba pang mga mahahalagang karanasan sa buhay na humubog sa kanilang pagkatao."

Sinabi rin ni Boy Abunda, tungkol din ang programa sa lahat dahil makaka-relate ang viewers bilang mga anak.

"But more than that, this conversation is also fundamentally about us and our mothers. Lahat tayo makaka-relate dahil lahat tayo anak. Lahat tayo may ina. Tatay may ina, ang kaibigan kong lalaki may ina. Lahat tayo may ina at sa pamamagitan ng special na ito, mapapaisip din tayo sa tanong na, 'Naging sino po tayo nang dahil sa ating mga ina?'"

Naikuwento rin ng King of Talk ang kaniyang memories tungkol sa kaniyang ina na si nanay Lesling . Dahil palaging sinasabi ng kaniyang ina na "Boy you are my winner" sa tuwing siya'y sumasali sa singing competitions, natutunan ni Boy Abunda na magkaroon ng lakas ng loob.

"Noong ako'y bata, tuwing ako'y sumasali sa mga mature singing contest, kumakanta po ako dahil sa mga declamation contest, parating sinasabi ni nanay, bago magsimula ang contest - before a contest begins, 'Boy you are my winner.' So laging nasa isip ko, 'Paano ako matatalo, eh para sa nanay ko, ako ang panalo.' You know, ganung kalaki ang epekto ng mga ating ina."

Proud daw si Boy Abunda sa kaniyang TV special at matagal niya na raw pinaplano ito kasama ang kaniyang team sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mapapanood na ang monthly talk show na My Mother, My Story ngayong Mother's Day (May 12) , tuwing Linggo, 3:15 pm - 4:15 p.m sa GMA.